Ang Pandan ay may mga kemikal at sustansya na may magandang benepisyong maibibigay sa katawan.
May taglay itong essential oil, alkaloids, tannin, glycosides at marami pang iba.
Nakapagbibigay lunas ang pandan sa mga sumusunod:
1. Hirap sa pag-ihi. Inumin lang ang pinaglagaan ng ugat ng pandan, gawing tsaa.
2. Sakit ng ulo. Ilaga ang dahon ng pandan at inumin.
3. Sugat. Itapal ang dinikdik o pinigang dahon ng pandan sa sugat upang mabilis itong maghilom/
4. Rayuma. Inumin ang pinaglagaan ng ugat ng pandan.
5. Pigsa. Dikdikin ang dahon, haluan ng katas ng kalamasi at kauning asin. Itapal sa Pigsa.
6. Pagsusuka. Ang tuloy-tuloy na pagsusuka ay maaaring gamutin ng pag-inom sa pinaglagaan ng pandan.
7. Pananakit ng tenga. Patakan ng katas ng bulaklak ng pandan ang tenga.
Laging tandaan na ang pagkonsulta sa Doktor ay kinakailangan. Ang mga halamang gamot ay nakatutulong ngunit may mga sakit na kailangan ng propesyunal na opinion ng mga dalubhasa.