Ipinapakita ang mga post na may etiketa na lagnat. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na lagnat. Ipakita ang lahat ng mga post

Lunes, Hunyo 22, 2020

Camachile - mainam sa lagnat, sakit ng ngipin at hindi natunawan

Ang Camachile ay maraming lunas na pwedeng ibigay.


Di Natunawan - pakuluan ang ilang piraso ng dahon sa 1 basong tubig sa loob ng 5 minuto, lagyan ng 1 kurot ng asin at muling pakuluan ng 5 minuto. Salain at inumin para umigi ang katawan.

Disinteriya - ilagay ang balat ng puno (bark) sa 1 basong kumukulong tubig, hayaang kumulo sa loob ng 10 minuto. Salain at inumin.

Sakit ng Ngipin - magpakulo ng 1 tasa ng dahon sa 1/2 litro ng tubig sa loob ng 5 minuto. Salain at ito ang gamiting pangmumog.

Lagnat - uminom ng 1 baso ng pinaglagaan ng balat ng puno (bark) para mabawasan ang lagnat.

Laging tandaan na ang pagkonsulta sa Doktor ay kinakailangan. Ang mga halamang gamot ay nakatutulong ngunit may mga sakit na kailangan ng propesyunal na opinion ng mga dalubhasa.

Linggo, Hunyo 21, 2020

Sibuyas - Lunas sa Ubo, Sipon at Lagnat

Ang Sibuyas ay isa palang magandang panglunas sa Ubo, Sipon at Lagnat dahil ito ay may taglay na antibiotic at antioxidant. May kakayahan din itong magdetoxify.



Ang kailangang gawin para sa may Lagnat:
  • Balatan at hiwain ang sibuyas, ilagay ito sa loob ng medyas at isuot sa paa.
Ang kailangang gawin para sa may Sore Throat, Ubo at Sipon:
  • Pakuluan ang sibuyas at gawing parang tsaa. Pwede din pong kainin ang sibuyas.

Laging tandaan na ang pagkonsulta sa Doktor ay kinakailangan. Ang mga halamang gamot ay nakatutulong ngunit may mga sakit na kailangan ng propesyunal na opinyon ng mga dalubhasa.

Huwebes, Hunyo 11, 2020

Tanglad - mabisa sa Diabetes, High Blood, Kidney at Liver Problem, Lagnat, Ubo at Sipon

Ang TANGLAD (Lemon Grass) ay napakarami palang gamit.

Mabisa itong pampakalma ng Puso at nakakalma din ang ating blood vessels kaya nakapagpapababa ng Blood Pressure.
  • Magpakulo ng 5 pirasong dahon ng tanglad sa 3 tasang tubig sa loob ng 10 minuto. Inumin ang 1 tasa 3 beses maghapon.
Mabisa din ito sa mga hirap umihi o may kidney or liver problem, may diuretic property ito na nakapagpapadami ng ihi kaya nadedetoxify ang ating katawan.
  • Magpakulo ng 10 pirasong dahon ng tanglad sa 3 tasang tubig sa loob ng 10 minuto. Inumin ang 2 hanggang 3 tasa bago matulog.
Mabisa din ito sa Lagnat
  • Magpakulo ng 8 pirasong dahon ng tanglad sa 3 tasang tubig sa loob ng 10 minuto. Inumin ang 1 tasa every 4 hours hanggang sa humupa ang lagnat.
Para sa Ubo at Sipon
  • Magsteam ng 5 pirasong dahon, ang katas nito ang iinumin 1 teaspoon 3 times a day.
Laging tandaan na ang pagkonsulta sa Doktor ay kinakailangan. Ang mga halamang gamot ay nakatutulong ngunit may mga sakit na kailangan ng propesyunal na opinion ng mga dalubhasa.

Sabado, Hunyo 6, 2020

Yerba Buena - panglunas sa sakit ng ulo, ubo, sipon at masakit na kasu-kasuan

Ang Yerba Buena ay isang Herb na malakas ang aroma. Ang scent nito ay nagsisilbing anti-depressant kaya mainam sa mental relaxation.

Maari itong gamiting panlunas sa Lagnat, Ubo at Sipon ng mga bata. Malagay lang ng 5 hanggang 7 dahon ng Yerba Buena sa isang mangkok at buhusan ng mainit na tubig. Ipaamoy ang usok o scent nito. Ginagamit din ito sa maysakit bilang suob.

Sa pangangati ng balat o skin irritation, magdikdik lang ng dahon ng Yerba Buena at itapal ito.

Sa mga madalas mahilo, amuy amuyin lang ang dinikdik na dahon nito.

Sa mga may arthritis at masakit ang kasu-kasuan, maglagay lang ng 5 dahon nito sa isang tasang mainit na tubig. Hayaang kumulay ang dahon sa tubig bago inumin. Uminom ng isang tasa kada araw.

Laging tandaan na ang pagkonsulta sa Doktor ay kinakailangan. Ang mga halamang gamot ay nakatutulong ngunit may mga sakit na kailangan ng propesyunal na opinion ng mga dalubhasa.

Kaimito (Star Apple) Lunas sa LBM at Lagnat

Sa henerasyon ngayon, marami ng hindi nakakakilala sa Kaimito (Star Apple) ngunit ang prutas na ito pala ay magandang panlunas sa LBM o pagtatae at magaling din na pampababa ng lagnat.


Ang prutas ay mayaman sa fiber kaya nakakatulong upang makaiwas sa Colon Cancer.

Ang Dagta ng sanga at dahon naman ay nagagamit pampurga ng mga bulate sa tiyan.

Ang Buto ay pwedeng dikdikin at ihalo sa inumin upang makatulong mapababa ang lagnat at mapahinto ang LBM o pagtatae.

Ang ilan pang nagagawa ng Kaimito ay nakapagpapababa ito ng timbang, proteksyon sa diabetes, pampatibay ng buto at ngipin at ginagawang normal ang bowel movement.

Ang mga natural na lunas na halaman at herbal ay nakatutulong ngunit ang regular na pagpapakonsulta sa Doktor ay kailangan upang maiwasan ang malubhang karamdaman.

Sabado, Mayo 30, 2020

Oregano - Mabisa sa Ubo at Sipon

OREGANO
Scientific name : Coleus Aromaticus
Ang oregano ay nakakatulong mapaginhawa ang katawan kapag may ubo, sipon, at lagnat. Maging sa sore throat, pigsa at pananakit ng kalamnan, UTI at sakit ng tiyan ay mabisa rin ito.

Paraan ng paggamit:
Ubo at Sipon - magpakulo ng isang tasa ng dahon ng oregano sa tatlong tasa ng tubig sa loob ng 10 hanggang 15 minuto at inumin. Maaari din ilagay sa ibabaw ng sinaing ang sariwang dahoon at kapag nag-iba na ang kulay nito ay pigain sa kutsara ang katas at direktang inumin.
Rayuma, pigsa, sugat at kagat ng insekto – dikdikin, pigain at ipahid ang katas ng dahon.

Pinaniniwalaang mga sakit na mabisa ang oregano:
1. Paso. Ginagamit ang dinikdik na dahon ng oregano upang maibsan ang pananakit ng paso sa balat.
2. Pananakit ng ulo. Ang dahon naman na bahagyang pinitpit ay inilalagay sa sentido para mabawasan ang pananakit ng ulo.
3. Kagat ng insekto. Ipinangtatapal din ang dahon na bahagyang dinikdik sa bahagi ng katawan na apektado ng kagat ng insekto, o tusok ng alupihan at alakdan.
4. Hika. Ang pinaglagaan ng dahon ng oregano ay mabisa rin para sa kondisyon ng hika.
5. Bagong panganak. Pinaiinom naman ng pinaglagaan ng dahon ng oregano ang mga bagong panganak.
6. Kabag. Mabisa rin para sa kondisyon ng kabag ang pag-inom sa pinaglagaan ng oregano.
7. Pigsa. Ang pigsa sa balat ay matutulungan naman ng pagtatapal ng dinikdik na dahon ng oregano.
8. Pananakit ng lalamunan dahil sa sore throat ay maaaring matulungan ng paglunok ng pinaglagaan ng pinatuyong dahon ng oregano.
9. Ubo. Ang ubo na mahirap gumaling at pabalik-balik ay maaaring matulungan ng pag-inom sa pinaglagaan ng oregano. Maaari ring lunukin ang isang kutsara ng katas nito.

Primary Factor Of All Sickness is TOXIN

THE NATURAL HEALING THEORY "The cause of formation of human sickness is body toxin.  The name of sickness describes the damages cau...