Ipinapakita ang mga post na may etiketa na ubo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na ubo. Ipakita ang lahat ng mga post

Linggo, Hunyo 21, 2020

Sibuyas - Lunas sa Ubo, Sipon at Lagnat

Ang Sibuyas ay isa palang magandang panglunas sa Ubo, Sipon at Lagnat dahil ito ay may taglay na antibiotic at antioxidant. May kakayahan din itong magdetoxify.



Ang kailangang gawin para sa may Lagnat:
  • Balatan at hiwain ang sibuyas, ilagay ito sa loob ng medyas at isuot sa paa.
Ang kailangang gawin para sa may Sore Throat, Ubo at Sipon:
  • Pakuluan ang sibuyas at gawing parang tsaa. Pwede din pong kainin ang sibuyas.

Laging tandaan na ang pagkonsulta sa Doktor ay kinakailangan. Ang mga halamang gamot ay nakatutulong ngunit may mga sakit na kailangan ng propesyunal na opinyon ng mga dalubhasa.

Huwebes, Hunyo 11, 2020

Tanglad - mabisa sa Diabetes, High Blood, Kidney at Liver Problem, Lagnat, Ubo at Sipon

Ang TANGLAD (Lemon Grass) ay napakarami palang gamit.

Mabisa itong pampakalma ng Puso at nakakalma din ang ating blood vessels kaya nakapagpapababa ng Blood Pressure.
  • Magpakulo ng 5 pirasong dahon ng tanglad sa 3 tasang tubig sa loob ng 10 minuto. Inumin ang 1 tasa 3 beses maghapon.
Mabisa din ito sa mga hirap umihi o may kidney or liver problem, may diuretic property ito na nakapagpapadami ng ihi kaya nadedetoxify ang ating katawan.
  • Magpakulo ng 10 pirasong dahon ng tanglad sa 3 tasang tubig sa loob ng 10 minuto. Inumin ang 2 hanggang 3 tasa bago matulog.
Mabisa din ito sa Lagnat
  • Magpakulo ng 8 pirasong dahon ng tanglad sa 3 tasang tubig sa loob ng 10 minuto. Inumin ang 1 tasa every 4 hours hanggang sa humupa ang lagnat.
Para sa Ubo at Sipon
  • Magsteam ng 5 pirasong dahon, ang katas nito ang iinumin 1 teaspoon 3 times a day.
Laging tandaan na ang pagkonsulta sa Doktor ay kinakailangan. Ang mga halamang gamot ay nakatutulong ngunit may mga sakit na kailangan ng propesyunal na opinion ng mga dalubhasa.

Linggo, Hunyo 7, 2020

Lagundi panlaban sa ubo, sipon at hika maging sa trangkaso

Ang dahon ng Lagundi ay magandang panlaban sa Ubo, Sipon, Trangkaso at maging sa Hika.



Nakapagpapababa din ito ng blood sugar, magandang pangontra sa arthritis, fungal infection at maging sa hepatitis.

Maglaga lamang ng mga dahon nito (15 hanggang 20 piraso) sa isang kalahating litro ng tubig.

Uminom 2 hanggang 3 beses isang araw

Laging tandaan na ang pagkonsulta sa Doktor ay kinakailangan. Ang mga halamang gamot ay nakatutulong ngunit may mga sakit na kailangan ng propesyunal na opinion ng mga dalubhasa.

Sabado, Hunyo 6, 2020

Yerba Buena - panglunas sa sakit ng ulo, ubo, sipon at masakit na kasu-kasuan

Ang Yerba Buena ay isang Herb na malakas ang aroma. Ang scent nito ay nagsisilbing anti-depressant kaya mainam sa mental relaxation.

Maari itong gamiting panlunas sa Lagnat, Ubo at Sipon ng mga bata. Malagay lang ng 5 hanggang 7 dahon ng Yerba Buena sa isang mangkok at buhusan ng mainit na tubig. Ipaamoy ang usok o scent nito. Ginagamit din ito sa maysakit bilang suob.

Sa pangangati ng balat o skin irritation, magdikdik lang ng dahon ng Yerba Buena at itapal ito.

Sa mga madalas mahilo, amuy amuyin lang ang dinikdik na dahon nito.

Sa mga may arthritis at masakit ang kasu-kasuan, maglagay lang ng 5 dahon nito sa isang tasang mainit na tubig. Hayaang kumulay ang dahon sa tubig bago inumin. Uminom ng isang tasa kada araw.

Laging tandaan na ang pagkonsulta sa Doktor ay kinakailangan. Ang mga halamang gamot ay nakatutulong ngunit may mga sakit na kailangan ng propesyunal na opinion ng mga dalubhasa.

Alagaw panglunas sa Ubo at Sipon

Ang Alagaw na karaniwang ginagamit ang dahon na pangpalaman sa tiyan ng inihaw na isda ay magaling palang panlunas sa Ubo at Sipon.



Pakuluan lamang ang 3 hanggang 5 dahon sa tatlong tasang tubig sa loob ng 2 minuto.
Uminom ng 1 tasa tatlong beses maghapon.

Magaling din itong panlunas sa sakit ng ulo, kumuha lamang ng dahon (maaaring lagyan ng langis ng niyog) at itapal sa noo.

Ang isa pang nakamamanghang gamit nito ay sa Tagihawat at Acne. Dikdikin lamang ang dahon at ipahid ang katas sa Acne.

Laging tatandaan na kapag tumagal ang ubo at sipon, mas makabubuting magpakonsulta sa Doktor. Ang halamang gamot ay mabisa bilang paunang lunas ngunit sa mas malalang kundisyon ng katawan, kailangan ng opinyon ng mga doktor at dalubhasa.

Sabado, Mayo 30, 2020

Oregano - Mabisa sa Ubo at Sipon

OREGANO
Scientific name : Coleus Aromaticus
Ang oregano ay nakakatulong mapaginhawa ang katawan kapag may ubo, sipon, at lagnat. Maging sa sore throat, pigsa at pananakit ng kalamnan, UTI at sakit ng tiyan ay mabisa rin ito.

Paraan ng paggamit:
Ubo at Sipon - magpakulo ng isang tasa ng dahon ng oregano sa tatlong tasa ng tubig sa loob ng 10 hanggang 15 minuto at inumin. Maaari din ilagay sa ibabaw ng sinaing ang sariwang dahoon at kapag nag-iba na ang kulay nito ay pigain sa kutsara ang katas at direktang inumin.
Rayuma, pigsa, sugat at kagat ng insekto – dikdikin, pigain at ipahid ang katas ng dahon.

Pinaniniwalaang mga sakit na mabisa ang oregano:
1. Paso. Ginagamit ang dinikdik na dahon ng oregano upang maibsan ang pananakit ng paso sa balat.
2. Pananakit ng ulo. Ang dahon naman na bahagyang pinitpit ay inilalagay sa sentido para mabawasan ang pananakit ng ulo.
3. Kagat ng insekto. Ipinangtatapal din ang dahon na bahagyang dinikdik sa bahagi ng katawan na apektado ng kagat ng insekto, o tusok ng alupihan at alakdan.
4. Hika. Ang pinaglagaan ng dahon ng oregano ay mabisa rin para sa kondisyon ng hika.
5. Bagong panganak. Pinaiinom naman ng pinaglagaan ng dahon ng oregano ang mga bagong panganak.
6. Kabag. Mabisa rin para sa kondisyon ng kabag ang pag-inom sa pinaglagaan ng oregano.
7. Pigsa. Ang pigsa sa balat ay matutulungan naman ng pagtatapal ng dinikdik na dahon ng oregano.
8. Pananakit ng lalamunan dahil sa sore throat ay maaaring matulungan ng paglunok ng pinaglagaan ng pinatuyong dahon ng oregano.
9. Ubo. Ang ubo na mahirap gumaling at pabalik-balik ay maaaring matulungan ng pag-inom sa pinaglagaan ng oregano. Maaari ring lunukin ang isang kutsara ng katas nito.

Primary Factor Of All Sickness is TOXIN

THE NATURAL HEALING THEORY "The cause of formation of human sickness is body toxin.  The name of sickness describes the damages cau...