Ipinapakita ang mga post na may etiketa na cancer. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na cancer. Ipakita ang lahat ng mga post

Biyernes, Hunyo 19, 2020

Basil - mainam sa cancer, diabetes, depression at anxiety

Ang BASIL ay isang herb sa mint family na sikat na ginagamit ng mga chef sa kanilang pagluluto, ngunit lingid sa ating kaalaman, noong unang panahon ay inaalagaan ito at pinararami dahil sa kanyang medicinal qualities.

Dito sa Pilipinas, ang sweet basil ang pinakacommon at ito ay napakagandang itanim at palaguin.


Paano gamitin:
1. Maaring gawing tsaa. kumuha lamang ng 3 hanggang 5 dahon, ibabad sa mainit na tubig at inumin.
2. Maari din diretsong kainin ang dahon o gamitin itong sangkap sa mga ulam na niluluto.
3. Ang oil extract ng dahon nito ay pwedeng gamitin sa aromatherapy.

Sweet Basil Benefits:

Sa mga inisyal na pag-aaral, ang sweet basil ay nakatutulong sa:

  • maiwasan ang pagiging makakalimutin dahil sa stress at pagtanda
  • nakatutulong sa depression
  • nababawasan ang damage na pwedeng makuha sa stroke at mabilis ang recovery ng mga nastroke
  • nakapagpapababa ng blood sugar at cholesterol
  • nakapagpapababa ng blood pressure
  • nakatutulong maiwasan ang cancer tulad ng Breast Cancer, Colon Cancer and Pancreas.
  • nakatutulong maging mentally alert kapag ginamit sa aromatherapy
  • nakatutulong maprotektahan ang ngipin sa pagkabulok dahil sa bacteria
  • nagsisilbing antibiotic para maiwasang mahawa sa mga infectious diseases
  • nakakatulong maitaboy ang mga insekto tulad ng Lamok at Kuto
Laging tandaan na ang pagkonsulta sa Doktor ay kinakailangan. Ang mga halamang gamot ay nakatutulong ngunit may mga sakit na kailangan ng propesyunal na opinion ng mga dalubhasa.

Lunes, Hunyo 15, 2020

Parsley - nakatutulong para makaiwas sa Cancer

Ang pagkain ng Parsley ay nakatutulong sa para makaiwas sa Cancer.

Ang Parsley ay may Flavanoid na Myricetin na mainam para hindi magkaroon ng skin cancer. Ang parsley ay maraming myricetin.



Nakatutulong din ang parsley, ayon sa pag-aaral, na mablock ang cancer causing effect ng isang chemical compound na galing sa karne kapag ito ay iniihaw sa mataas na temperatura.

Mayroon ding Apigenin ang parsley na nakakapagpaliit ng tumor sa taong may breast cancer. Pinaniniwalan ng mga siyentipiko na ang Apigenin ay may posibilidad na maging non-toxic treatment ng Cancer sa hinaharap.

Laging tandaan na ang pagkonsulta sa Doktor ay kinakailangan. Ang mga halamang gamot ay nakatutulong ngunit may mga sakit na kailangan ng propesyunal na opinion ng mga dalubhasa.

Biyernes, Hunyo 5, 2020

Pakwan (Watermelon) - Panlaban sa Kanser

Ang pakwan na dati ay inaakala ng marami na tubig lamang ang maaaring makuha dito, ay isang napakabisang panlaban pala sa sakit na Kanser (Cancer).


Ito ay nagtataglay ng Lycopene na syang napakabisa laban sa cancer. Maganda ito lalo na sa mga kalalakihan upang makaiwas sa prostate cancer. Maliban dito, ang buto ng pakwan ay mainan na panglinis sa digestive system ng ating katawan. Magiging banayad ang pagdumi kapag kumain nito. Ito rin ay mayaman sa magnesium na nakatutulong pantanggal ng pananakit ng kasu-kasuan o joints.

Mainam din sa sumasailalim ng diet o nagpapapayat ang pagkain ng pakwan sapagkat ito ay very low in calories pero very high in vitamins.

Ang regular na pagkonsulta sa Doktor ay kailangan upang ang mga sakit ay maagang madetect at maagapan.

Primary Factor Of All Sickness is TOXIN

THE NATURAL HEALING THEORY "The cause of formation of human sickness is body toxin.  The name of sickness describes the damages cau...