Ipinapakita ang mga post na may etiketa na high blood. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na high blood. Ipakita ang lahat ng mga post

Huwebes, Hunyo 11, 2020

Tanglad - mabisa sa Diabetes, High Blood, Kidney at Liver Problem, Lagnat, Ubo at Sipon

Ang TANGLAD (Lemon Grass) ay napakarami palang gamit.

Mabisa itong pampakalma ng Puso at nakakalma din ang ating blood vessels kaya nakapagpapababa ng Blood Pressure.
  • Magpakulo ng 5 pirasong dahon ng tanglad sa 3 tasang tubig sa loob ng 10 minuto. Inumin ang 1 tasa 3 beses maghapon.
Mabisa din ito sa mga hirap umihi o may kidney or liver problem, may diuretic property ito na nakapagpapadami ng ihi kaya nadedetoxify ang ating katawan.
  • Magpakulo ng 10 pirasong dahon ng tanglad sa 3 tasang tubig sa loob ng 10 minuto. Inumin ang 2 hanggang 3 tasa bago matulog.
Mabisa din ito sa Lagnat
  • Magpakulo ng 8 pirasong dahon ng tanglad sa 3 tasang tubig sa loob ng 10 minuto. Inumin ang 1 tasa every 4 hours hanggang sa humupa ang lagnat.
Para sa Ubo at Sipon
  • Magsteam ng 5 pirasong dahon, ang katas nito ang iinumin 1 teaspoon 3 times a day.
Laging tandaan na ang pagkonsulta sa Doktor ay kinakailangan. Ang mga halamang gamot ay nakatutulong ngunit may mga sakit na kailangan ng propesyunal na opinion ng mga dalubhasa.

Sabado, Mayo 30, 2020

Bawang - Nakapagpapababa ng High Blood Pressure o Altapresyon

Maganda ang BAWANG sa pagpapababa ng High Blood Pressure at Blood Sugar dahil sa taglay nitong Allicin.



Sa Pinoy MD segment, ayon kay Dr. Cecilia Maramba-Lazarte, Director ng Institute of Herbal Medicine, may mga compounds na nakita sa bawang na pwedeng magpababa ng cholesterol at may mga sangkap din sa bawang na nakapagpapababa ng blood pressure.

Paraan ng paggamit:

  • Kumain ng 2 hanggang 4 na piraso (cloves) ng bawang
  • kung hindi kaya ang lasa, maaring ilagay ang pinitpit na bawang sa isang kutsara at lagyan ng honey upang madaling lunukin.
Ilan lamang ito sa mga health benefits na kayang ibigay ng bawang na sinasabing mabisa ring anti fungal.

Laging tandaan na ang pagkonsulta sa Doktor ay kinakailangan. Ang mga halamang gamot ay nakatutulong ngunit may mga sakit na kailangan ng propesyunal na opinyon ng mga dalubhasa.

Primary Factor Of All Sickness is TOXIN

THE NATURAL HEALING THEORY "The cause of formation of human sickness is body toxin.  The name of sickness describes the damages cau...