Ipinapakita ang mga post na may etiketa na uti. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na uti. Ipakita ang lahat ng mga post

Martes, Hunyo 23, 2020

GUMAMELA - Nakapagpapababa ng Blood Sugar, nakatutulong sa may UTI at Impeksyon sa Bato

Nakamamangha pala ang Gumamela, na ginagawa lamang nating laruan noon, mayroon itong Anti-bacterial, Anti-fungal at Anti-inflammatory properties. Ang Gumamela tea (petals and flowers) ay nakapagpapababa ng Blood Sugar kaya mainam inumin ng mga taong Diabetic. Nakatutulong din ito sa may Urinary Tract Infection, Impeksyon sa Bato at sa Masakit ang Tiyan.



Nakapagpapakalma din ng Digestive system natin ang Gumamela Tea, nakatutulong ito sa Constipated maging sa may Diarrhea.

Pwede ding gamiting panggamot sa sakit sa balat, pati sa may pigsa ang gumamela. Dikdikin lang ang dahon (at bulaklak) at itapal sa balat na makati, may sugat o namamaga. Hayaan sa loob ng isang oras.

Laging tandaan na ang pagkonsulta sa Doktor ay kinakailangan. Ang mga halamang gamot ay nakatutulong ngunit may mga sakit na kailangan ng propesyunal na opinion ng mga dalubhasa.


Sabado, Hunyo 13, 2020

Banaba mainam sa may Diabetes, Kidney Stone at UTI

Ang Banaba ay isang magaling na cure mula sa nature.


Nakapagpapababa ito ng Blood Sugar, ang banaba ay nagpafunction na parang insulin. Napipigilan nito ang pagdami ng excess sugar sa katawan.

Mabisa rin itong lunas sa mga nahihirapang umihi dahil namamaga ang kidney o kaya ay may UTI.

Effective din itong panlunas sa lagnat at pagtatae.

Pumitas ng 6 na dahon ng Banaba na katamtaman ang gulang. Magpakulo ng 3 tasa ng tubig. Kapag kumukulo na ang tubig, ilagay ang 6 na dahon. Ilaga ito sa loob lang ng 2 minuto upang di mawala ang bisa. Uminon ng 1 tasa 3 beses maghapon.

Laging tandaan na ang pagkonsulta sa Doktor ay kinakailangan. Ang mga halamang gamot ay nakatutulong ngunit may mga sakit na kailangan ng propesyunal na opinion ng mga dalubhasa.

Primary Factor Of All Sickness is TOXIN

THE NATURAL HEALING THEORY "The cause of formation of human sickness is body toxin.  The name of sickness describes the damages cau...