Ipinapakita ang mga post na may etiketa na arthritis. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na arthritis. Ipakita ang lahat ng mga post

Linggo, Hunyo 7, 2020

Avocado maganda sa puso, kasukasuan at maayos na pagdumi

Ang Avocado ay mayaman sa Vitamin B complex na nakatutulong sa pagpapaganda ng daloy ng dugo kaya ito ay mainam sa Puso.



Hitik sa Vitamins A, C, D at E kaya nakatutulong upang maging makinis ang ating balat.

Rich in Fiber na maganda para sa maayos na pagdumi.

High Fat food ito na may halong oleic acid na nakatutulong sa pagpapabuti ng kundisyon ng mga kasukasuan at nakapagpapapayat din.

Ang Dahon ng Avocado ay mainam gawing tsaa at ito ay nakatutulong sa mga may insomnia o hindi makatulog. Maglaga lamang ng 6 hanggang 8 dahon ng avocado sa 1 litro na tubig at inumin.

Sabado, Hunyo 6, 2020

Yerba Buena - panglunas sa sakit ng ulo, ubo, sipon at masakit na kasu-kasuan

Ang Yerba Buena ay isang Herb na malakas ang aroma. Ang scent nito ay nagsisilbing anti-depressant kaya mainam sa mental relaxation.

Maari itong gamiting panlunas sa Lagnat, Ubo at Sipon ng mga bata. Malagay lang ng 5 hanggang 7 dahon ng Yerba Buena sa isang mangkok at buhusan ng mainit na tubig. Ipaamoy ang usok o scent nito. Ginagamit din ito sa maysakit bilang suob.

Sa pangangati ng balat o skin irritation, magdikdik lang ng dahon ng Yerba Buena at itapal ito.

Sa mga madalas mahilo, amuy amuyin lang ang dinikdik na dahon nito.

Sa mga may arthritis at masakit ang kasu-kasuan, maglagay lang ng 5 dahon nito sa isang tasang mainit na tubig. Hayaang kumulay ang dahon sa tubig bago inumin. Uminom ng isang tasa kada araw.

Laging tandaan na ang pagkonsulta sa Doktor ay kinakailangan. Ang mga halamang gamot ay nakatutulong ngunit may mga sakit na kailangan ng propesyunal na opinion ng mga dalubhasa.

Primary Factor Of All Sickness is TOXIN

THE NATURAL HEALING THEORY "The cause of formation of human sickness is body toxin.  The name of sickness describes the damages cau...