Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kidney stone. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kidney stone. Ipakita ang lahat ng mga post

Sabado, Hunyo 13, 2020

Banaba mainam sa may Diabetes, Kidney Stone at UTI

Ang Banaba ay isang magaling na cure mula sa nature.


Nakapagpapababa ito ng Blood Sugar, ang banaba ay nagpafunction na parang insulin. Napipigilan nito ang pagdami ng excess sugar sa katawan.

Mabisa rin itong lunas sa mga nahihirapang umihi dahil namamaga ang kidney o kaya ay may UTI.

Effective din itong panlunas sa lagnat at pagtatae.

Pumitas ng 6 na dahon ng Banaba na katamtaman ang gulang. Magpakulo ng 3 tasa ng tubig. Kapag kumukulo na ang tubig, ilagay ang 6 na dahon. Ilaga ito sa loob lang ng 2 minuto upang di mawala ang bisa. Uminon ng 1 tasa 3 beses maghapon.

Laging tandaan na ang pagkonsulta sa Doktor ay kinakailangan. Ang mga halamang gamot ay nakatutulong ngunit may mga sakit na kailangan ng propesyunal na opinion ng mga dalubhasa.

Huwebes, Hunyo 11, 2020

Sampa Sampalukan (Stone Breaker) mabisang pangtunaw ng Kidney Stone (Bato sa bato)

Ang Sampa Sampalukan ay mistulang isang ligaw na damo na tumutubo sa gilid ng bahay at kalsada ay isa palang mabisang panlunas sa Kidney Stone.



Ito ay tinaguriang "Stone Breaker". Para sa may Kidney Stone, kumuha ng 1 kutsarang dahon ng Sampa Sampalukan at ilagay sa 3 basong tubig at pakuluan sa loob ng 15 minuto.

Uminom ng 1 tasa 3 beses araw araw ngunit huwag lalampas sa 1 buwan ang dire diretstong pag-inom.

Laging tandaan na ang pagkonsulta sa Doktor ay kinakailangan. Ang mga halamang gamot ay nakatutulong ngunit may mga sakit na kailangan ng propesyunal na opinion ng mga dalubhasa.

Sabado, Mayo 30, 2020

Sambong - mainam sa minamanas at pantunaw ng bato

Ang dahon ng sambong ay may bulo, mainam ito sa minamanas at maaari ring pantunaw ng bato.



Paraan ng paggamit:

  • Hugasang mabuti ang dahon at tadtarin
  • Maglagay ng dalawang tasa ng tubig at dalawang tasa ng dahon sa palayok
  • Pakuluan ito sa mahinang apoy sa loob ng 15 minuto (huwag takpan ang palayok o kaserola)
  • Palamigin at salain
Dosis na rekomendado ng DOH
  • Kung ang ginamit ay sariwang dahon, 6 na kutsara sa matanda at 4 kutsara sa edad 7 to 12
  • Kung ang ginamit ay pinatuyong dahon, 4 na kutsara sa matanda at 2 kutsara sa edad 7 to 12
  • Inumin umaga, tanghali at gabi.
Laging tandaan na ang pagkonsulta sa Doktor ay kinakailangan. Ang mga halamang gamot ay nakatutulong ngunit may mga sakit na kailangan ng propesyunal na opinyon ng mga dalubhasa.

Primary Factor Of All Sickness is TOXIN

THE NATURAL HEALING THEORY "The cause of formation of human sickness is body toxin.  The name of sickness describes the damages cau...