Ipinapakita ang mga post na may etiketa na oregano. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na oregano. Ipakita ang lahat ng mga post

Miyerkules, Hunyo 10, 2020

Oregano para sa baradong ilong at sinusitis

Ang oregano ay may aroma na nakatutulong para matanggal ang bara ng ilong dulot ng sipon.

Kumuha ng sariwang dahon (pwede din ang pinatuyo at dinurog) at ilagay sa plangganita na may bagong kulo (mainit na tubig) para makagawa ng facial steam.

Suubin ang sarili gamit ang tuwalya o kumot at langhapin ang usok o vapor na lumalabas.

Ito ay nakatutulong para magrelax ang namamagang daanan ng hangin (nasal passages) at posible ding makapagbigay ng ginhawa sa sakit na dulot ng Sinusitis.

Laging tandaan na ang pagkonsulta sa Doktor ay kinakailangan. Ang mga halamang gamot ay nakatutulong ngunit may mga sakit na kailangan ng propesyunal na opinion ng mga dalubhasa.

Sabado, Mayo 30, 2020

Oregano - Mabisa sa Ubo at Sipon

OREGANO
Scientific name : Coleus Aromaticus
Ang oregano ay nakakatulong mapaginhawa ang katawan kapag may ubo, sipon, at lagnat. Maging sa sore throat, pigsa at pananakit ng kalamnan, UTI at sakit ng tiyan ay mabisa rin ito.

Paraan ng paggamit:
Ubo at Sipon - magpakulo ng isang tasa ng dahon ng oregano sa tatlong tasa ng tubig sa loob ng 10 hanggang 15 minuto at inumin. Maaari din ilagay sa ibabaw ng sinaing ang sariwang dahoon at kapag nag-iba na ang kulay nito ay pigain sa kutsara ang katas at direktang inumin.
Rayuma, pigsa, sugat at kagat ng insekto – dikdikin, pigain at ipahid ang katas ng dahon.

Pinaniniwalaang mga sakit na mabisa ang oregano:
1. Paso. Ginagamit ang dinikdik na dahon ng oregano upang maibsan ang pananakit ng paso sa balat.
2. Pananakit ng ulo. Ang dahon naman na bahagyang pinitpit ay inilalagay sa sentido para mabawasan ang pananakit ng ulo.
3. Kagat ng insekto. Ipinangtatapal din ang dahon na bahagyang dinikdik sa bahagi ng katawan na apektado ng kagat ng insekto, o tusok ng alupihan at alakdan.
4. Hika. Ang pinaglagaan ng dahon ng oregano ay mabisa rin para sa kondisyon ng hika.
5. Bagong panganak. Pinaiinom naman ng pinaglagaan ng dahon ng oregano ang mga bagong panganak.
6. Kabag. Mabisa rin para sa kondisyon ng kabag ang pag-inom sa pinaglagaan ng oregano.
7. Pigsa. Ang pigsa sa balat ay matutulungan naman ng pagtatapal ng dinikdik na dahon ng oregano.
8. Pananakit ng lalamunan dahil sa sore throat ay maaaring matulungan ng paglunok ng pinaglagaan ng pinatuyong dahon ng oregano.
9. Ubo. Ang ubo na mahirap gumaling at pabalik-balik ay maaaring matulungan ng pag-inom sa pinaglagaan ng oregano. Maaari ring lunukin ang isang kutsara ng katas nito.

Primary Factor Of All Sickness is TOXIN

THE NATURAL HEALING THEORY "The cause of formation of human sickness is body toxin.  The name of sickness describes the damages cau...