Ipinapakita ang mga post na may etiketa na sore throat. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na sore throat. Ipakita ang lahat ng mga post

Miyerkules, Hunyo 10, 2020

Luya panglunas sa Sore Throat

Ang sore throat o masakit na lalamunan, namamagang tonsil ay pwedeng maibsan ang sakit sa pamamagitan ng pag-inom ng Ginger Tea (Salabat/Tsaa na Luya)

Magpitpit ng isang pirasong luya o gayatin ng manipis, ibabad sa mainit na tubig at inumin.
Gawin 3 beses o higit pa maghapon upang maginhawahan ang pakiramdam.

Biyernes, Hunyo 5, 2020

Bunga ng Duhat - Maganda sa Diabetes

Ang pagkain ng hinog na Bunga ng Duhat ay nakatutulong upang makontrol ang Diabetes. Maari ding inumin ang pinaglagaan ng dahon at balat ng kahoy, pati na rin ang pinulbos na buto ng duhat.


Lingid sa kaalaman ng marami ngayon na ang buto ng duhat ay maraming sangkap na nakatutulong sa katawan ng tao. May taglay na glycosides, madilaw na essential oil, fat, resin, albumin, chlorophyll2, alkaloid na jambosine3, gallic acid, ellagic acid, corilagin at tannin,3,6-hexahydroxydiphenoylglucose at isomer nito na 4,6- hexahydroxydiphenoylglucose, 1-galloylglucose, 3-galloylglucose, quercetin. Mayroon pa itong zinc, chromium, vanadium, potassium at sodium. Makukuhanan pa ito ng protina at amino acids, flavonoids, phenols, glycosides, saponins, tannins, steroids, at triterpenoids.

Mga Sakit na maaaring magamot ng Duhat:

  • Pagtatae o disinterya. Nakagagamot ang pag-inom sa pinaglagaan ng balat ng kahoy ng puno ng duhat, gayun din ang pagkain ng mismong bunga nito sa kondisyon ng pagtatae. 
  • Pagsusugat ng gilagid o gingivitis. Ipinangmumumog ang pinaglagaan ng balat ng kahoy ng puno ng duhat.
  • Sugat. Maaaring ipanghugas sa sugat ang pinaglagaan ng balat ng kahoy ng duhat.
  • Diabetes. Makatutulong din ang pagkain sa hinog na bunga ng duhat upang makontrol ang sakit na diabetes. Maaari ding inumin ang pinaglagaan ng dahon at balat ng kahoy para sa kondisyong ito, pati na rin ang pinulbos na buto ng duhat.
  • Sore throat. Maaaring ipangmumog ang katas ng bunga ng duhat upang bumuti ang pakiramdam ng lalamunan.
  • Impatso o hindi natunawan. Ang pag-inom sa pinaglagaan ng balat ng kahoy ay makatutulong para gamutin ang kondisyon ng impatso.
  • Ulcer sa sikmura. Makatutulong ang pag-inom sa pinaglagaan ng balat ng kahoy ng duhat sa mas mabilis na paggaling ng ulcer sa sikmura.
  • Pamamaga at implamasyon. Maaaring ipanggamot ang katas ng dahon o dinurog na buto ng duhat sa kondisyon ng implamasyon o pamamaga sa katawan.
Laging tatandaan na ang mga halamang gamot ay nakatutulong ngunit para sa mas malusog na katawan, ang regular na pagkonsulta sa Doktor ay kailangan. May mga sakit na kailangan ng propesyunal na opinyon ng mga Doktor.

Sabado, Mayo 30, 2020

Luyang Dilaw (Turmeric) nakakatulong sa may Colon Cancer

Luyang Dilaw (Turmeric)

Ang ugat ng luyang dilaw (turmeric) ang kadalasang ginagamit bilang gamot.
Ang iba’t ibang bahagi ng halamang luyang dilaw ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansiya na maaaring may benepisyo sa kalusugan. Ang ugat ay mayroong curcumin (ang nagbibigay ng madilaw na kulay sa ugat). Mayroon din itong mineral na phosphorus at iron at kaunting calcium.

Paraan ng paggamit:
Ang ugat na madilaw ang kalimitang ginagamit sa buong halaman. Ito’y maaaring pakuluan at inumin na parang tsaa o salabat. Maaari ring ipampahid sa bahagi ng katawan ang hiniwa na luyang dilaw.

Pinatutuyo at pinupulbos din ito upang ilagay sa capsule bilang supplement.
Bulaklak - Maaari ding dikdikin ang bulaklak hanggang sa maging pino at magamit na pampahid sa balat.

Ilan sa mga sakit o kondisyon ng katawan na pinaniniwalaang nakakatulong ang luyang dilaw (turmeric):
Colon Cancer
High cholesterol
Osteoarthritis o rayuma
Pangangati
Lagnat
Pananakit ng sikmura
Bulate sa tiyan
Sugat
Kagat ng insekto
Bulutong
Buni
Sore throat
Paos na boses
Hindi natutunawan
Sakit ng Ulo
Sipon

Paggawa ng Salabat:
Magpakulo lamang ng isang litrong tubig. Ilagay ang Luyang Dilaw. Puwedeng lagyan ng konting asukal o honey.

Laging tandaan na ang pagkonsulta sa Doktor ay kinakailangan. Ang mga halamang gamot ay nakatutulong ngunit may mga sakit na kailangan ng propesyunal na opinion ng mga dalubhasa.

Primary Factor Of All Sickness is TOXIN

THE NATURAL HEALING THEORY "The cause of formation of human sickness is body toxin.  The name of sickness describes the damages cau...