SERPENTINA (The King of Bitters)
Scientific Name : Robecia Serpentina
Ang Serpentina ay isang Halamang Gamot na 10 Beses na mas mapait kaysa sa Ampalaya kaya tinawag itong the king of bitters.
Katulad ng Ampalaya, ginagamit ito ng mga taong may sakit na Diabetes dahil epektibo itong magpababa ng Blood Sugar.
Narito ang paraan ng paggamit nito ng mga taong mataas ang blood sugar:
• Ibabad ang 3 hanggang 5 dahon ng serpentina sa isang tasa ng mainit na tubig at inumin.
• Tandaan na habang tumatagal ang pagbabad ay mas pumapait ang lasa nito.
• Subukan muna ang 2 hanggang 3 minuto ng pagbabad o mas higit pa hanggat kayang tiisin ang mapait na lasa nito.
• Kung kaya ay direktang kainin ang mga dahon.
Iba pang paraan ng paggamit:
1. Dahon – inilalaga para gawing tsaa. Pantapal sa bahagi ng katawan. Pinupulbos at inilalagay sa kapsula para inumin ng mga taong di kaya ang pait ng lasa nito.
2. Ugat – inilalaga at iniinom bilang tsaa. Pwedeng sariwa o pinatuyong ugat.
Ilan sa mga pinaniniwalaang gamit ng Serpentina:
• Pampababa ng blood sugar
• Kagat ng Aso (at ahas ayon sa mga katutubo) – inilalagay ang katas ng serpentina sa sugat para makontra ang rabies o lason. (sa kagubatan po ay walang Doktor, mas mainam na dalhin sa Clinic o Hospital ang nakagat)
• Sakit sa Balat
• Malaria, pamamaga, lagnat, ubo, pantanggal ng bulate at marami pang iba.
Laging tandaan na ang pagkonsulta sa Doktor ay kinakailangan. Ang mga halamang gamot ay nakatutulong ngunit may mga sakit na kailangan ng propesyunal na opinion ng mga dalubhasa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento