Lunes, Hunyo 8, 2020

Malunggay mayaman sa Bitamina at Mineral, magaling sa malnutrisyon

Napakadaming health benefits na nakukuha sa malunggay.


Ang dahon nito ay mayaman sa calcium at iron kaya nakakapagpatibay ng buto at panglaban sa osteoporosis, nakakapagpadami din ito ng dugo kaya magandang kainin ng mga anemic.

Mayaman ito sa Antioxidants katulad ng Vit. A, C at Potassium na panglaban sa stress at nakapagpapabagal ng pagtanda ng ating katawan.

Ang malunggay ay saganang sagana sa mga bitamina kaya ito ay maganda sa mga payat at malnourished na bata.

Nakapagpapadami din ito ng gatas ng ina.

Magandang kumain ng 1 tasang dahon nito araw araw.

Laging tandaan na ang pagkonsulta sa Doktor ay kinakailangan. Ang mga halamang gamot ay nakatutulong ngunit may mga sakit na kailangan ng propesyunal na opinion ng mga dalubhasa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Primary Factor Of All Sickness is TOXIN

THE NATURAL HEALING THEORY "The cause of formation of human sickness is body toxin.  The name of sickness describes the damages cau...