Sabado, Hunyo 6, 2020

Kaimito (Star Apple) Lunas sa LBM at Lagnat

Sa henerasyon ngayon, marami ng hindi nakakakilala sa Kaimito (Star Apple) ngunit ang prutas na ito pala ay magandang panlunas sa LBM o pagtatae at magaling din na pampababa ng lagnat.


Ang prutas ay mayaman sa fiber kaya nakakatulong upang makaiwas sa Colon Cancer.

Ang Dagta ng sanga at dahon naman ay nagagamit pampurga ng mga bulate sa tiyan.

Ang Buto ay pwedeng dikdikin at ihalo sa inumin upang makatulong mapababa ang lagnat at mapahinto ang LBM o pagtatae.

Ang ilan pang nagagawa ng Kaimito ay nakapagpapababa ito ng timbang, proteksyon sa diabetes, pampatibay ng buto at ngipin at ginagawang normal ang bowel movement.

Ang mga natural na lunas na halaman at herbal ay nakatutulong ngunit ang regular na pagpapakonsulta sa Doktor ay kailangan upang maiwasan ang malubhang karamdaman.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Primary Factor Of All Sickness is TOXIN

THE NATURAL HEALING THEORY "The cause of formation of human sickness is body toxin.  The name of sickness describes the damages cau...