Ang dahon ng Tsaang Gubat ay mabisang gamitin laban sa Sakit ng Tiyan (stomach ache)
Paraan ng paghahanda:
Paraan ng paghahanda:
- Kumuha ng dahon, hugasang mabuti at pagkatapos ay tadtarin.
- Ilagay sa kaserola ang dalawang baso ng tubig at dalawang baso ng tinadtad na dahon
- Pakuluan ng 15 minuto gamit ang mahinang apoy, huwag tatakpan
- Palamigin at Salain
Dosis na Rekomendado ng DOH
- Kung ang ginamit ay sariwang dahon, 4 na kutsara sa matanda at 2 na kutsara sa edad 7 to 12
- Kung ang ginamit ay tuyong dahon, 3 kutsara sa matanda at 1 1/2 kutsara sa edad 7 to 12
Laging tandaan na ang pagkonsulta sa Doktor ay kinakailangan. Ang mga halamang gamot ay nakatutulong, ngunit may mga sakit na kailangan ng propesyunal na opinyon ng mga Dalubhasa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento