Miyerkules, Hunyo 3, 2020

Akapulko - para sa An-an, Buni, Alipunga at Galis-Aso

Ang Akapulko pala ay isang napakagaling na halamang gamot, lunas para sa An-an, Buni, Alipunga at Galis-Aso. Di lamang siya alam ng mga kabataan ngayon, ito ay parang damo na napakadaling tumubo sa mga bakanteng lote. Madalas ay tinatabas lamang ito at pinapatay dahil sa di alam na ito pala ay napakagaling sa sakit sa balat.


Paraan ng Paggamit:

  • Magdikdik ng Sariwang Dahon
  • Ipahid ang katas nito sa balat na may sakit 2 beses maghapon
  • Huwag iimbak ang di nagamit na katas, itapon na ito pagkaraan ng isang araw
  • Pwede ding pakuluan ang isang tasang tinadtad na dahon sa 2 tasa ng tubig. Pakuluan ng 15 minuto sa mahinang apoy. Salain at ihugas ang pinagpakuluan sa balat na may sakit 2 beses maghapon.
Laging tatandaan na ang pagkonsulta sa Doktor ay kinakailangan. Ang mga halamang gamot ay nakatutulong, ngunit may mga sakit na kailangan ng propesyunal na opinyon ng mga dalubhasa. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Primary Factor Of All Sickness is TOXIN

THE NATURAL HEALING THEORY "The cause of formation of human sickness is body toxin.  The name of sickness describes the damages cau...