Ang pagkain ng hinog na Bunga ng Duhat ay nakatutulong upang makontrol ang Diabetes. Maari ding inumin ang pinaglagaan ng dahon at balat ng kahoy, pati na rin ang pinulbos na buto ng duhat.
Lingid sa kaalaman ng marami ngayon na ang buto ng duhat ay maraming sangkap na nakatutulong sa katawan ng tao. May taglay na glycosides, madilaw na essential oil, fat, resin, albumin, chlorophyll2, alkaloid na jambosine3, gallic acid, ellagic acid, corilagin at tannin,3,6-hexahydroxydiphenoylglucose at isomer nito na 4,6- hexahydroxydiphenoylglucose, 1-galloylglucose, 3-galloylglucose, quercetin. Mayroon pa itong zinc, chromium, vanadium, potassium at sodium. Makukuhanan pa ito ng protina at amino acids, flavonoids, phenols, glycosides, saponins, tannins, steroids, at triterpenoids.
Mga Sakit na maaaring magamot ng Duhat:

- Pagtatae o disinterya. Nakagagamot ang pag-inom sa pinaglagaan ng balat ng kahoy ng puno ng duhat, gayun din ang pagkain ng mismong bunga nito sa kondisyon ng pagtatae.
- Pagsusugat ng gilagid o gingivitis. Ipinangmumumog ang pinaglagaan ng balat ng kahoy ng puno ng duhat.
- Sugat. Maaaring ipanghugas sa sugat ang pinaglagaan ng balat ng kahoy ng duhat.
- Diabetes. Makatutulong din ang pagkain sa hinog na bunga ng duhat upang makontrol ang sakit na diabetes. Maaari ding inumin ang pinaglagaan ng dahon at balat ng kahoy para sa kondisyong ito, pati na rin ang pinulbos na buto ng duhat.
- Sore throat. Maaaring ipangmumog ang katas ng bunga ng duhat upang bumuti ang pakiramdam ng lalamunan.
- Impatso o hindi natunawan. Ang pag-inom sa pinaglagaan ng balat ng kahoy ay makatutulong para gamutin ang kondisyon ng impatso.
- Ulcer sa sikmura. Makatutulong ang pag-inom sa pinaglagaan ng balat ng kahoy ng duhat sa mas mabilis na paggaling ng ulcer sa sikmura.
- Pamamaga at implamasyon. Maaaring ipanggamot ang katas ng dahon o dinurog na buto ng duhat sa kondisyon ng implamasyon o pamamaga sa katawan.
Laging tatandaan na ang mga halamang gamot ay nakatutulong ngunit para sa mas malusog na katawan, ang regular na pagkonsulta sa Doktor ay kailangan. May mga sakit na kailangan ng propesyunal na opinyon ng mga Doktor.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento