Huwebes, Hunyo 4, 2020

Beetroots and Carrots for Fatty Liver

Ang Beetroots (remolatsa sa tagalog) at Carrots ay ilan lamang sa maganda sa ating Liver.

Kung ikaw ay may fatty liver, magandang uminom ng beetroots juice at carrot juice isang baso sa bawat araw. Ang beetroot ay may betalains, betacyanin at a betanin na sinasabing nakakatulong protektahan ang atay sa pagkasira dahil sa carcinogens at ang carrots naman ay may antioxidant na nakakatulong na mabawasan ang dumi o mga nakalalason sa ating atay.


Ang carrots ay nakatutulong din magpalinaw ng mata samantalang ang beetroots ay magandang panlaban sa cancer.

Maaari din lutuin at kainin ang beetroots at ang carrot naman ay maaring lutuin o kainin ng hilaw.

Paraan ng paghahanda:
1. Magblender ng 2 hanggang 3 piraso ng beetroot or carrot depende sa laki
2. Gawing natural juice at inumin.
3. Magandang gawin ito araw araw.

Laging tandaan na mas makabubuti ang regular na pagkonsulta sa mga Doktor, ang mga halamang gamot ay mainam ngunit may mga sakit na kailangan ang opinyon ng mga Doktor at Dalubhasa.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Primary Factor Of All Sickness is TOXIN

THE NATURAL HEALING THEORY "The cause of formation of human sickness is body toxin.  The name of sickness describes the damages cau...