Ang Dahon ng Ampalaya ay mainam sa may Diabetes at ito ay rekomendado ng DOH Philippines.
Paraan ng Paggamit:
Paraan ng Paggamit:
- Hugasang mabuti ang dahon ng ampalaya at tadtarin
- Sumukat ng 6 Kutsarang tinadtad na dahon at 2 basong tubig
- Pakuluan sa loob ng 15 minuto sa mahinang apoy
- Huwag tatakpan ang kaserola
- Palamigin at Salain
- Inumin ang 1/3 Tasa tatlong beses maghapon. Inumin ito 30 minuto bago kumain.
- Maari ring kainin ang murang dahon, papasingawan lamang at kainin (kalahating baso) dalawang beses maghapon.
Laging tandaan na ang pagkonsulta sa Doktor ay kinakailangan. Ang mga halamang gamot ay nakatutulong, ngunit may mga sakit na kailangan ng Propesyunal na opinyon ng mga Dalubhasa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento